Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa halos 400 residente sa Northern Samar.
Partikular ang mga nakatira sa limang magkakatabing barangay sa Catarman, kasunod ng lagpas-taong tubig-baha.
Sa datos ng PCG, humigit-kumulang 80 pamilya mula sa Brgy. Macagtas, Brgy. Molave, Brgy. Yakal, Brgy. Narra at Brgy. Ipil-ipil ang kanilang nailikas.
Bukod sa munisipalidad ng Catarman, puspusan din ang evacuation at rescue operation na isinagawa ng PCG at iba pang responders sa mga munisipalidad ng Biri, Palapag, at San Jose, Northen Samar.
Nananatili namang naka-standby ang deployable response groups ng PCG sa naturang probinsya.
Ito’y upang agad na makapagbigay ng kinakailangang serbisyo sa mga pamilyang na-trap sa kani-kanilang tahanan kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng low pressure area (LPA).