Estudyanteng binugbog at binaril ng manliligaw sa Tuguegarao City, hindi pa nakukuhanan ng salaysay ng pulisya

Nananatiling nasa Intensive Care Unit ang isang third year medical technology student na sinasabing binugbog at binaril ng kanyang manliligaw sa parking lot ng kanilang unibersidad sa Tuguegarao City, Cagayan kamakailan.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, hihintayin muna nilang makalabas ng ICU ang biktima para makuhanan ng salaysay.

Ang binatilyong suspek naman aniya ay pansamantalang nakalaya matapos makapaglagak ng pyansa para sa mga kasong frustrated murder at paglabag sa gun ban.


Ang maganda aniya rito, kusa itong isinuko ng tatay niyang pulis matapos ang insidente.

Pero itinanggi nito na sa kanya ang caliber 45 na ginamit ng kanyang anak sa pamamaril.

Facebook Comments