Umabot na sa 393 na YouTube account ng mga kandidato sa 2022 election ang nabigyan na ng Commission on Elections (COMELEC) ng verified badge.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang hakbang na ito ay para matiyak ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga impormasyon ng publiko na isang mahalagang bahagi ng paglaban sa disinformation.
Aniya, nakikipag-ugnayan sila sa YouTube para maberipika ang nasabing mga channels at patuloy nilang babantayan ang mga ito para sa mga impormasyon na makakatulong sa mga botante.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10730 na inamyendahan ng Resolution No. 10748, ang mga website at ibang social media platforms na ginagamit para sa pangangampanya ay dapat irehistro sa poll body.
Facebook Comments