10, patay, matapos madisgrasya ang kanilang sinasakyang trak sa Zamboanga del Norte

Nasawi ang sampung indibibidwal matapos mawalan ng kontrol ang isang trak sa Zamboanga del Norte.

Sa ulat ng Police Regional Office 9, may sakay na copra at mga pasahero ang trak nang mahulog sa tabi ng highway na may 20 metro ang lalim na matatagpuan sa Sitio Quary Barangay Mamawan Baliguian, Zamboanga del Norte kaninang umaga.

Ang trak na may plate number JAD-247 ay palabas sana ng probinsya.


Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rinaldo Hadjal, drayber, Adjie Hadjal truckman at mga pasahero na sina Marcelina Humunong, Mesterio Suales, Insing Ompia, Analyan Bulong, Alicita Abong, Marciano Ansali, Jonie Salibat at Christy Sandigo.

Maliban sa sampung namatay, may walo pang sugatan.

Facebook Comments