Halos 4,000 na barangay sa buong bansa, malinis na sa iligal na droga pagmamalaki ng PDEA

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency na nasa 3,677 na, mula sa kabuuang 42,036 mga barangay sa buong bansa ang nalinis na sa iligal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, bunga ito ng mas pinatinding kampanya ng Duterte administration laban sa illegal drugs.

Kaya naman binigyan nila aniya ang mga naturang barangay ng “drug-cleared status” batay na rin sa sertipikasyon ng mga miyembro ng oversight committee on barangay drug-clearing program.


Sa pagtaya ng PDEA, nasa 47.83 percent ng kabuuang barangay sa buong bansa ang drug affected at sa bilang na ito ay nasa 68.5 percent ang maituturing na “slightly affected”.

Aabot naman sa 30.4 percent ang “moderately affected” habang ang nalalabing 1 percent ay “seriously affected”.

Ang National Capital Region ang nasa highest rate ng barangay drug affectation na umaabot sa 97.3 percent kung saan sinundan ito ng region 13 na may 86.58 percent at region 7 na may 82.75 percent naman.

Facebook Comments