Halos 4,000 na trabaho, alok sa job fair sa lungsod ng Pasay

Nag-aalok ng 4,000 na mga trabaho ang Public Employment Service Office (PESO) Pasay, para sa mga naghahanap ng trabaho.

Pangungunahan ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano, ang barangay labor desk – reload sa lahat ng makikilahok sa in-house job fair.

Ito’y simula Lunes hanggang Biyernes mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa 3rd floor room 310, PESO Office, Pasay City Hall.


Maiging magdala lamang ng resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na damit para sa interview at posibleng maging isa sa mga Hired On The Spot (HOTS).

Facebook Comments