Senador, hinamon ang Kamara na tapatan ang ipinasang wage hike sa private sector

 

Hinamon ni Senator Risa Hontiveros ang mga kongresista na tapatan ang panukalang dagdag na P100 sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa pribadong sektor.

Mababatid na pinuna ng mga kongresista ang isinusulong na wage hike sa private sector sa katwirang papatayin nito ang mga maliliit na negosyo.

Nitong Miyerkules lang ay ipinasa na sa second reading ang dagdag sa sahod na panukala.


Kaya naman, hirit ni Hontiveros sa mga kongresista ay tapatan at aprubahan din nila ang bill na ito tulad sa Senado alang-alang sa mga manggagawa.

Magkagayunman, kahit na may panukala ay naniniwala ang mambabatas na hindi ito sapat para mapaganda ang buhay ng isang manggagawa.

Facebook Comments