CAUAYAN CITY- Nilimas umano ng isa sa mga empleyado ng LGU Echague ang nasa dalawampu’t siyam (29) na mini tablets noong ika-18 ng Hunyo sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.
Kinilala ang akusado na si Loreto Martinez Jr., Municipal Engineering office Driver -LGU Echague, at residente ng Brgy. San Antonio-Minit sa nasabing bayan.
Base sa pagsisiyasat ng pulisya, nasa opisina ng MPDO Echague si Roditha Barao nang mapansin nito na hindi nakakandado ang kanilang stock room kung saan agad itong humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan upang suriin ang cash box at sa kabutihang palad ay hindi naman ito nagalaw ngunit napansin nila na nawawala ang ibang mobile tablets.
Watch more balita here: MAHIGPIT NA SEGURIDAD, IPINATUPAD NG KAPULISAN NG NAGUILIAN
Kinaumagahan, nagsagawa sila ng inventory sa mga items na nakaimbak sa stock room at dito napag-alaman na nawawala ang dalawampu’t siyam na Realme Pad Minit Tablets.
Sinubukan ng isa sa mga empleyado ng LGU na hanapin ang mga nawawalang tablet sa facebook marketplace at dito naka-transact ang isang seller sa Santiago City at nakumpirmang dalawa sa mga nanakaw na tablets ay naibenta rito.
Agad naman itong nag report sa pulisya at dito napag-alaman na ang mga nabentang tablet ay nagmula sa suspek na si Martinez.