Halos 42,000 BADAC sa bansa, ia-assess ng DILG

Simula April 1,2022, sasailalim sa assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa buong bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nais nilang masigurong maitutuloy ang progreso at pagpapabuti ng implementasyon, monitoring, at evaluation ng anti-illegal drugs activities sa mga lokalidad.

Aniya, mahalaga ang pagsasagawa ng assessment para matiyak na ang bawat BADAC ay hindi lamang organisado, kundi gumagana at naaabot ang itinakdang standard ng gobyerno.


Nilinaw naman ni Año na naka-hold ang assessment sa mga barangay na nasa ilalim ng Alert Levels 3, 4, at 5 at ipagpapatuloy na lamang oras na isailalaim sila sa Alert Level 2.

Batay sa National Barangay Operations Office (NBOO) ng DILG, mayroong 41,906 BADAC sa bansa kung saan 20,440 ang nasa Luzon, 11,413 sa Visayas, at 10,053 sa Mindanao.

Facebook Comments