PHILSYS REGISTRATION SA BAYAN NG GAMU, NAGPAPATULOY

Patuloy na nagsasagawa ng PhilSys Registration para sa National ID Card sa Bayan ng Gamu sa pangunguna ng tanggapan ng PhilSys Gamu.

Ayon kay Registration Center Supervisor NiƱa Aggabao, nakapaloob sa mandato ng PSA na maaaring magparehistro ang nasa edad lima (5) pataas.

Para sa mga kabataang magpaparehistro mula lima hanggang labing pitong taong gulang, ay dapat samahan ng kanilang magulang o guardian para makapagparehistro.

Patuloy naman na ipinapaalala sa mga magpaparehistro na patuloy na sundin ang minimum health protocol kapag tutungo sa PhilSys Registration venue.

Facebook Comments