Halos 450,000 displaced OFWs, nakauwi na sa mga rehiyon – DOLE

58

Umabot na sa halos 450,000 displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi sa kanilang mga probinsya.

Batay sa datos ng Information and Publication Service (IPS) ng Department of Labor and Employment (DOLE), 447,076 repatriated OFWs ang nakauwi sa kanilang home regions.


Mula sa nabanggit na bilang, 19,581 ang nakauwi ngayong buwan.

Nabatid na inilunsad ng pamahalaan ang repatriation program para sa mga Pilipino abroad na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments