PSG, wala pa ring tugon sa imbestigasyon hinggil sa hindi awtorisadong paggamit ng bakuna – FDA

68

Hindi pa rin nagbibigay ng impormasyon sa Food and Drug Administration (FDA) ang Presidential Security Group (PSG) hinggil sa paggamit nila ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine.

Matatandaang kinumpirma ni PSG Commander Brigadier General Jesus Durante III na ilan sa kanyang mga tauhan ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa pagitan ng Setyembre hanggang Oktubre noong nakaraang taon.


Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, wala silang nakukuhang impormasyon mula sa PSG at hindi pa sila sumasagot.

Aniya, maging si Health Secretary Francisco Duque III ay sumulat sa PSG.

Umaasa ang FDA na makikipagtulungan ang PSG sa kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments