Patuloy na tumataas ang bilang ng mga health worker na nagkakasakit bunsod ng COVID-19.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH) nitong Hulyo 27, umabot na sa 4,591 ang bilang ng health care workers na na-infect ng virus mula sa 4,215 noong Hulyo 24.
Nasa 1,585 sa mga may sakit ay mga nurse, 1,023 ay mga doktor, at ang iba pa ay mga nursing assistant, medical technologist, at radiologic technologist.
Umabot naman sa 3,490 ang mga gumaling na healthcare workers habang 36 ang namatay.
Isa sa nakikitang dahilan ng DOH kung bakit tumaas ang health workers na may COVID-19 ay ang community transmission.
Facebook Comments