Halos 47.8 milyong Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa halos 47.8 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kabuuan itong 47,860,944 indibidwal o katumbas ng 62.05 percent ng populasyon ng bansa.

Nasa 60,811,273 indibidwal naman o 78.83 percent ng target na populasyon ang nakatanggap ng unang dose.


As of December 27, umabot na sa 202 milyong doses ng bakuna ang dumating sa Pilipinas kung saan mahigit 106 milyong doses ang naiturok.

Tiniyak naman ng tagapagsalita na sasapat ang bakunang ito upang mabakunahan ang 100 milyong Pilipino upang masimulan ang pagtuturok ng booster shot sa lahat.

Facebook Comments