Ilang miyembro ng PHA, balak na ring kumalas sa PhilHealth

40

Ilang miyembro ng Philippine Hospital Association (PHA) ang nagbabalak na rin kumalas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay PHA Spokesperson Dr. Bu Castro, batid nila ang hirap ng ibang pagamutan sa kanilang operasyon lalo na yung umaasa sa bayad mula sa PhilHealth.

Aniya, deka-dekada na ang problema sa delayed at mga unpaid claims ng PhilHealth sa mga ospital.


Sa kabila nito, umaasa si Castro na mareresolba ng PhilHealth at mga ospital ang isyu.

Nauna nang nagpahayag ng pagkalas sa PhilHealth ang ilang miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi).

Facebook Comments