Nais ng Department of Tourism (DOT) na maabot ang 4.8 milyon na bilang ng international visitors sa Pilipinas sa 2023.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na kumpiyansa ang DOT na magpapatuloy ang momentum sa turismo sa bansa sa 2023 at sa mga susunod pang taon.
Ito ay matapos na lumagpas na sa mahigit 2.46 milyong mga turista mula sa ibang bansa na bumisita sa Pilipinas ngayong 2022.
Ang nasabing bilang ay higit na sa tourist projections ngayong taon ng DOT na 1.7 milyon.
Ang U.S ang nangunguna na source market ng turista ng Pilipinas na nasa 461,000 at sumunod ang South Korea na nasa 387,000.
Kumpiyansa naman ang kalihim na maaabot ng bansa ang 2.5 milyong guest arrivals sa pagtatapos ng 2022.
Facebook Comments