5 pulis na dawit sa pagkawala ng isang sabungero, sinibak sa pwesto

Sinibak sa serbisyo ang 5 pulis na isinangkot sa pagkawala ng isang nawawalang sabungero sa Laguna noong 2021.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, nilagdaan na ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang dismissal order laban sa 5 pulis matapos irekomenda ng Internal Affairs Service na alisin sa serbisyo dahil sa grave misconduct.

Kasama sa mga nasibak sina Police Staff Sgt. Daryl Panghangaan, Patrolman Roy Navarette at Patrolman Rigel Brosas na una nang nakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ) para sa kasong robbery at kidnapping.


Samantala, lusot man sa kasong kriminal, sibak pa rin sa serbisyo sina Police Lieutenant Henry Sasaluya at Police Master Sergeant Michael Claveria.

Nabatid na nasa restrictive custody na ang 5 mga pulis sa tanggapan ng Police Regional Office 4A.

Facebook Comments