Halos 50 indibidwal kabilang ang ilang menor de edad, arestado sa ikinasang Oplan Galugad ng QCPD

32

Quezon City – Aabot sa 50 indibidwal kabilang na ang ilang mga menor de edad ang arestado sa Oplan Galugad ng Quezon City Police District station 1 sa 17 mga barangay sa Balintawak, Quezon City.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga ito ay hinuli dahil sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, hindi pagsunod sa curfew hours at ilan pang mga paglabag sa mga panukalang panlungsod.

Sa ngayon ay hindi pa sasampahan ng kaso ang mga nahuli dahil pawang mga first time offenders ang mga ito.

Hindi naman agad pauuwiin ang mga nahuling menor de edad na kinakailangang sunduin muna ng kanilang mga magulang.

Samantala, iginiit ng QCPD na hindi magiging ningas kugon ang operasyon dahil ipagpapatuloy nila ito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments