Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin sa Sampaloc Maynila

29

Sampaloc, Manila – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila kaninang madaling araw.

Ayon sa mga nakasaksi, nakatayo lang ang biktimang si alyas ‘Mak-Mak’ sa harapan ng bahay nang lapitan ito ng hindi nakilalang suspek at tatlong beses na pinagbabaril.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay makalipas ang tatlong oras.

Ayon sa mga awtoridad, kalalaya lang ng biktima noong Disyembre mula sa pagkakakulong dahil sa iligal na droga.

Patuloy naman hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng mga pulis.

Facebook Comments