Halos 50 % ng tinamaan ng COVID-19 sa 7 ospital sa Maynila, hindi bakunado

Aabot sa 309 o 49.36% ng naka-confine na COVID-19 patients sa 7 ospital sa Maynila ang hindi pa bakunado.

Ayon sa Manila Health Department, 122 sa mga nasa ospital ang nakatanggap ng 1st dose ng bakuna o 19.49% habang 195 o 31.15% ang nakakumpleto na ng bakuna ang tinamaan pa rin ng sakit.

Pinakamarami sa nakararanas ng severe o matinding sintomas ng COVID-19 ay mga hindi bakunado na umaabot sa 55 habang 19 ang nakakumpleto ng bakuna at 10 naka-1st dose pa lamang.


Sa mga moderate ang sintomas ng COVID-19, 91 ang hindi pa bakunado, 37 sa naka-1st dose at 28 ang nakakumpleto na ng bakuna.

Habang sa mild cases, 163 ang mga hindi pa bakunado, 148 ang nakakumpleto na ng turok at 69 ang nakaka-isang dose pa lamang ng bakuna.

Facebook Comments