Nagsagawa na ng imbestigasyon ang National Privacy Commission (NPC) sa 48 online leading applications na nagpapahiya sa mga borrower na bigong makapagbayad ng kanilang obligasyon sa tamang oras.
Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro – nakatanggap sila ng higit 400 complaints mula sa borrowers hinggil sa maling paggamit ng kanilang personal information, kabilang ang disclosure ng kanilang unpaid balances sa ibang tao.
Sinabi ni Liboro na sinisilip na nila ang mga reklamo para sa posibleng breach of provisions sa ilalim ng data privacy law.
Ang mga lumabag na online lending operators na posibleng maharap sa temporary o permanent ban mula sa operating, maging sa posibleng award of damages sa apektadong indibidwal.
Facebook Comments