Halos 500 guro na magsisilbing BEIs sa Cotabato City, umatras; pinalitan ng mga pulis!

Mahigpit ngayong tinututukan ng Commission on Elections (COMELEC) ang isinasagawang botohan sa Cotabato City.

 

Ito ay makaraang hindi na sumipot sa mga polling precinct ang nasa 500 guro na magsisilbi sanang Board of Election Inspectors (bei).

 

Kaugnay nito, sinabi ni acting COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco na awtomatikong idineploy ang 500 mga pulis para magsilbing special electoral boards.


 

Nilinaw naman ni Laudiangco na hindi lang ang isyu ng pag-aalis sa mga gurong ito sa listahan ng mga miyembro ng electoral boards ang dahilan ng hindi na nila pagsisilbi sa halalan kundi maging ang nararamdaman nilang banta sa kanilang seguridad kasunod ng nangyaring gulo sa lungsod kamakailan.

Facebook Comments