Senior citizen, binawian ng buhay habang patungo sa polling precinct sa Taguig City

45

Hindi na umabot ng buhay sa Taguig Doctors ang isang senior citizen makaraang ma-heat stroke habang patungo sa Cipriano Santa Teresa Elementary School sa Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Kinilala ang biktima na si Jose Dacuag senior citizen  residente ng Sitio Butas Purok 3 Barangay Bagumbayan Taguig City.

Ayon Eddie boy Arago barangay traffic papunta palang sa sa presinto ang biktima nang makita itong nawalan ng malay tao kung saan agad namang sumaklolo ang mga barangay security force ng lungsod at agad dinala sa paganutan ngunit ideklaranaman ng doktor na Dead on Arrival ang biktima sa Taguig Doctors hospital na hinihinalang na  heat stroke.


Patuloy na inaalam ng mga doktor ang tunay na ikinamatay ng biktima kung saan dinala na sa morgue ang naturang biktima

Facebook Comments