Halos 500 kaban ng smuggled na bigas mula Myanmar, nasabat ng Customs

39

Aabot sa 495 kaban ng Myanmar white rice ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pantalan sa Cebu City.


Ayon sa BOC, idineklara ang mga ito bilang personal effects ng consignee na nagpakilalang Theresa Lawas.

Pero sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service ng Customs, walang residenteng Theresa Lawas sa Barangay Pansoy.

Nagsagawa ng physical examination ang Customs sa shipment na galing Kaoshiung, Taiwan at dito na nadiskubre ang halos 500 kaban ng bigas na galing pang Myanmar.

Tinatayang nagkakahalaga ang naturang shipment ng mahigit kalahating milyong piso.

Nag-isyu na ang Bureau of Customs ng warrant of seizure and detention laban sa naturang shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments