Serbisyo ng CRMC Apektado, matapos magpositibo ang kanilang 2 Health Care Worker

30

Apetado na naman ang mga Health Services mula Cotabato Regional and Medical Center matapos 2 sa kanilang Health Care Worker ay nagpostibo sa Covid-19.
Sa panayam ng DXMY kay Dra. Helen Yambao, Chief ng CRMC, pansamatalang hindi muna tatanggap ng mga pasyente sa Surgery, Medicine, OB at Pedia Ward dahil sa gagawing dis-infection sa buong hospital.
Kaugnay nito, muling ikinalungkot ni Dra. Yambao ang sinapit ng kanyang mga Nurses na pinakahuling nagpositibo sa Covid-19 sa syudad.
Nagsasagawa na rin aniya ng Contact Tracing sa hospital na maaring nakasalumuha ng mga ito.
Ang mga Health Care Worker ng CRMC ay mga Nurse Supervisor.
Sa ngayon, may 13 Covid-19 Patients rin ang nasa CRMC .
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>


Facebook Comments