Halos 500 na kandidato, maaaring maharap sa perpetual disqualification

Halos 500 kandidato ang maaaring maharap sa perpetual disqualification sa anumang public office dahil sa hindi pagdeklara ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) noong nakaraang eleksyon.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia, nasa 500 politiko ang hindi nagsumite ng SOCE noong 2016 at 2019 election na isang dahilan para sila ay habambuhay na madiskwalipika sa halalan.

Aniya, ang isang kandidato ay dapat magsumite ng kanyang SOCE 30 araw matapos ang eleksyon


Ang SOCE ay ang dokumentong naglalaman ng gastos ng isang kandidato sa pangangampanya.

Babala pa ni Garcia, kahit manalo ang naturang politiko sa Mayo 9, aalisin pa rin nila ito sa pwesto dahil sa naturang paglabag.

Facebook Comments