Atty. John Rex Laudiangco, itinalaga bilang acting Spokesperson ng COMELEC

96

Itinalaga bilang acting Spokesperson ng Commission on Elections (COMELEC) si Atty. John Rex Laudiangco.

Batay sa isang memorandum nitong Mayo 6, pirmado ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan ang appointment ni Laudiangco.

Papalitan ni Laudiangco si James Jimenez, na sinuspinde dahil sa naging aberya sa COMELEC debates pero mananatiling director ng Education and Information Department (EID) ng poll body.


Batay naman sa Twitter post ni Jimenez, binati nito si Laudiangco at sinabi nitong masaya siya para sa acting Spokesperson ng poll body.

Facebook Comments