Bunsod ng ilang araw na pag-ulan dulot ng habagat na pinalakas ng tropical depression Dodong.
Apektado ang nasa halos 500 pamilya o 1,638 na indibidwal sa Regions 1, 3, 6, CALABARZON at MIMAROPA.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa 39 na barangay sa mga nabanggit na rehiyon ang mga naapektuhan ng sama ng panahon.
Sa nasabing bilang 400 pamilya o halos nasa 1,500 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 36 na evacuation center habang ang nasa 54 na pamilya ay mas piniling makisilong muna sa kanilang mga kamag-anak.
Sa ngayon, 29 na lugar parin sa Regions 1, 3, 6, CALABARZON at MIMAROPA ang lubog sa baha.
Samantala, nakapagtala rin ng landslide sa Region 1 at MIMAROPA.
Facebook Comments