EJ Obiena binasag record sa Asian Athletics Championship; nakakuha ng gold medal

Naitala ng Pinoy Pole Vaulter na si EJ Obiena ang bagong competition record sa Asian Athletics Championship kasabay ng pagsungkit niya ng gintong medalya.

Binasag ni Obiena ang record sa kompetisyon nang ma-clear ang 5.91 meters sa ikalawang subok.

Ito na rin ang ikalawang sunod na gold medal ni Obiena matapos makuha ang titulo sa 2019 edition ng Asian Championships.


Una nang nag-qualify si Obiena para sa Paris Olympics nang mag-uwi siya ng silver sa Stockholm Diamond League sa Sweden noong nakaraang linggo.

Samantala, bukod kay Obiena ay isang pinay sa katauhan ni Robyn Brown ang nag-uwi ng unang gold medal para sa Pilipinas sa Asian Athletics Championships nang magwagi sa women’s 400 hurdles noong Sabado.

Facebook Comments