Halos 500 Pamilya sa Isabela, Inilikas

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa 423 pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers sa Isabela dahil sa muling pagbaha na nararanasan sa ilang bayan at syudad sa Lalawigan.

Sa pinakahuling datos na ibinahagi ng PDRRMC Isabela, nananatiili ngayon sa mga evacuation areas ang 1,487 na mga indibidwal o 423 pamilya na mula sa sampung (10) bayan at dalawang (2) Lungsod sa Isabela.

Sa sampung bayan na nabaha, nasa dalawampu’t siyam (29) na pamilya ang inilikas mula sa bayan ng Sta. Maria; labing anim (16) sa Benito Soliven, tatlumput walo (38) sa San Mariano; apat (4) sa San Pablo; pito (7) sa Cabagan; lima (5) sa Cordon; labing siyam (19) sa Tumauini; siyamnapu’t dalawa (92) sa Mallig; isa (1) sa Delfin Albano; labing isa (11) sa San Isidro; limampu’t isa (51) sa Cauayan City at 127 sa Lungsod ng Ilagan.


Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng mga rescue teams katuwang ang kapulisan at kasundaluhan lalo na sa mga nasa mababang lugar sa probinsya.

Samantala, passable pa rin sa kasalukuyan ang pangunahing lansangan sa Lalawigan subalit hindi na madaanan ang ilang lansangan gaya ng Aggasian-San Antonio Road at Guinatan road-Sta Barbara maging ang Andarayan at Calinaoan Municipal road sa bayan ng Delfin Albano dahil sa patuloy na pag-uulan.

Facebook Comments