HALOS 5OK NA TILAPIA FINGERLINGS, PINAKAWALAN SA MGA KAILUGAN NG BAYAN NG URBIZTONDO

URBIZTONDO, PANGASINAN – Matagumpay na pinakawalan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Urbiztondo ang libu-libong tilapia fingerlings sa mga kailugan nito.
Kabuuang 46,000 na fingerlings ng isdang Tilapia ang pinakawalan at planong papalaguin sa mga ilog at sapa ng ilang barangay ng bayan kung saan mula ang pondo sa LGU at kanilang itong inilaan para sa proyektong ito.
Layunin ng proyektong ito ng LGU ay para suportahan ang ikinabubuhay ng mga residente malapit sa lugar lalong lalo na sa sektor ng pagsasaka at pangisdaan.

Layuni din nito upang madagdagan ang kita ng mga residente maging mapagkukunan din ng kanilang pagkain na magsisilbing ulam.
Nauna nang pinakawalan ang nasa 20,000 na Tilapia fingerlings bilang paunang bugso ng nasabing programa at pinangunahan ito ng Municipal Agriculture Office (MAO).
Pinakawalan ang mga maliliit na isdang ito sa mga Barangay ng Baug, Bayaoas at Gueteb sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments