Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang may ilang pulis ang nagtatanim ng ebidensya laban sa mga suspek na kanilang naaaresto.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 58% ang nagsabing naniniwala, 8% ang hindi, habang 33% ang undecided.
Lumabas din sa survey na karamihan sa mga Pinoy ay hindi makapagdesisyon kung totoo ba ang mga pahayag ng mga pulis na may “nanlaban” kaya nagkakaroon ng drug-related killings.
Tinanong sa mga respondent kung ang mga pulis ba ay nagsasabi ng katotohanan na ang mga suspek na kanilang pinatay ay nanlaban.
Nasa 44% ang undecided sa isyu, habang kapwa may 28% ang mga naniniwala at hindi naniniwala sa pulis.
Ang survey ay isinagawa mula December 16 hanggang 19 sa 1,440 respondents na may margin of error na +/- 2.6% nationwide at +/- 5% sa balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.