Pangamba ng mga magulang sa pagpapabakuna sa edad 5-11, pinawi ng isang senador

Hinikayat ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang mga magulang na huwag mangamba at mag-atubili na pabakunahan ang kanilang mga anak na 5 hanggang 11 taong gulang.

Paliwanag ni Go, ang bakuna para sa mga bata ay tinimpla o nilikha na akma sa kanilang edad kaya mas mababa ang dosage at ito ay sadyang binili ng gobyerno para sa kanila lamang.

Dagdag pa niya, mahalagang mabakunahan ang mga bata bilang paghahanda sa muling pagbabalik ng face-to-face classes.


Malinaw sa datos na ang kadalasang dumaranas ng grabeng sintomas ng COVID-19 at namamatay ay ang mga hindi pa bakunado.

Kaya para mahinto na ang pandemya ay hinihikayat ni Go ang lahat na huwag matakot at magtungo na sa pinakamalapit na vaccination site.

Facebook Comments