Halos 60 na telecom ng China, ipinagbawal sa Amerika

59 na telecommunication company ang pinagbabawalan na mag-operate sa Estados Unidos dahil sa hinalang konektado ang mga ito sa China.

Bunsod nito, isang executive order ang nilagdaan ni US President Joe Biden na nagbabawal sa kanilang mamamayan na mamuhunan sa mga kompanya mula China dahil sa banta sa seguridad ng Amerika.

Ilan sa mga kompanyang ban ay ang China Mobile, China Telecommunications at China Unicom, maging ang smartphone na Huawei at Hikvision.


Una na pinagbawalan ni dating US President Donald Trump ang 31 kompanya dahil sa isyu ng intelligence surveillance ng China.

Facebook Comments