Nasa Halos 60% na ng target population ng Pilipinas na 77.1 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, hanggang nitong Martes, Disyembre 21 ay nasa kabuuang 102.9 million vaccine doses na ang naiturok sa buong bansa.
41.5 million dito ang nakakumpleto na ng kanilang dalawang dose ng bakuna habang 3.7 million ang nakatanggap ng single dose na Janssen vaccine.
Kasunod nito, sinabi ni Nograles na mananatili sa 54 million Pilipinong fully vaccinated ang kanilang target bago matapos ang taon sa kabila ng dumaang bagyo na nakaapekto sa vaccine rollout ng ibang rehiyon.
Samantala, sinabi naman ni Nograles na mananatiling prayoridad ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo ang rehabilitasyon.