Halos 600 na mga deboto, natulungan ng Red Cross sa pagpapatuloy ng Traslacion

Manila, Philippines – Umabot na sa 578 na mga pasyente ang na-asistihan ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagpapatuloy ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sa tala ng Red Cross, 435 katao ang nagpa-monitor ng kanilang blood pressure, 132 na pasyente naman ang nahirapang huminga, hinimatay, nagalusan, nagkapasa at sumakit ang ngipin habang walo naman ang maituturing na major cases at tatlo dito ang dinala sa pinakamalapit na ospital.

Ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng PRC – ang kanilang team ng mga volunteers ay naka-deploy na sa mga dadaanan ng Traslacion kung saan layunin nila na agad mabigyan ng tulong medikal ang milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno.


Karamihan sa mga medical team ng PRC ay kinabibilangan ng mga volunteer doctors at nurses na nakapwesto simula kahapon sa paligid ng Quirino Grandstand at sa area ng Quiapo.

Facebook Comments