You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Halos 6,000 COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang DOH ng 5,839 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

4,509 naman ang bagong kaso habang 105 ang binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,412,559 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bumaba naman ang aktibong kaso sa 48,649 habang ang total recoveries na ay 1,339,248.

Ang total deaths naman ay 24,662.

Facebook Comments