Libreng Sakay sa Cagayan Valley, Matatapos na ngayong araw

Cauayan City,Isabela- Magtatapos na ngayong araw ang Libreng Sakay ng LTFRB Region 2 at ng Service Contracting Program sa ilalim ng Department of Transportation (DOTR).

Malaking ginhawa ang nasabing programa na napakinabangan ng daan-daang indibidwal na kabilang sa Authorized Person Outside Residence (APOR) sa Lambak ng Cagayan patungo sa kanilang mga trabaho.

Kasunod ito ng pagtatapos ng effectivity ng Bayanihan to Recover as One Act na kung saan galing umano ang nasabing pondo sa ginagamit sa programa.


Maraming driver operator ang nakinabang sa programa dahil sa kanilang tuloy-tuloy na biyahe sa kabila ng nararanasang pandemya.

Umaasa naman ang LTFRB Region 2 na sana ay maipagpapatuloy ang nasabing programa sa ilalim naman ng Bayanihan 3 dahil sa dami ng mga natulungan ng programa.

Facebook Comments