Manila, Philippines – Aabot na sa 5,576 na mga Pilipinong hindi dokumentadong manggagawa mula sa Saudi Arabia ang napauwi na sa bansa.
Ito’y ayon sa DOLE o Department of Labor and Employment ay sa ilalim ng pagtatapos ng amnesty program na ipinatupad ng pamahalaan sa nasabing bansa.
Gayunman, sinasabing naghihintay pa rin ng kanilang plane ticket ang may 2,000 undocumented OFW’s para maka-uwi sa bansa.
Ayon naman kay Labor Undersecretary Dominador Say, naisyuhan na umano ng exit visa at travel documents ang nasabing OFW’S na magmumula sa Jeddah at Riyadh sa Saudi Arabia.
Facebook Comments