Umaabot na sa halos 60,000 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa buong bansa ngayong taon.
Ito’y batay sa datos ng Department of Health o DOH mula noong January 1 hanggang June 3, 2023.
Sa report ng Epidemiolody Bureau ng DOH, sumampa na sa 58,444 ang dengue cases sa bansa na mas mataas ng 17% kumpara sa 50,092 na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.
Aabot naman sa 203 na indibidwal ang nasawi dahil sa dengue pero ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa 244 na namatay sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Ayon pa sa DOH, karamihan sa kaso ng dengue ay nairekord sa National Capital Region o NCR na nasa 7,410 cases na sinundan ng Region 11 o Davao Region na may 6,054 cases at Region 4-A o CALABARZON na may 6,043 cases.
Wala namang humpay ang paalala ng DOH sa ating mga kababayan na mag-ingat laban sa dengue.
Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na sumunod sa “5-S Dengue Strategy” o ang:
1. Search and Destroy
2. Self-protect
3. Seek consultation
4. Support fogging
5. Sustain hydration.