DOTr, muling iginiit na transparent ang kanilang isinagawang bidding sa pag-procure ng license cards sa bansa

Muling iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na trasnparent ang kanilang isinagawang bidding sa pag-procure ng license cards sa ating bansa.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Administration and Finance Kim de Leon na sinunod ng kanilang kagawaran ang nakapaloob sa pagpili nito sa Banner Plasticard, Inc. na siyang nakakuha ng kontrata sa pagpoproduce ng mga plastic card para sa driver’s license cards sa bansa.

Dagdag pa ni De Leon na nakatakdang dumating sa sususunod na dalawang buwang ang nasa isang milyong license cards na gagamitin sa mga bago at nagrenew ng kanilang lisensya ngayong taon.


Matatandaang nasa halos 690,000 na license backlog ang naitala ng Land Transportation Office (LTO) nitong nakaraang buwan ng Hunyo.

Facebook Comments