Halos 60,000 na mga pulis, idineploy para sa 2022 elections

Halos 60,000 pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para sa kanilang election-related duties.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, 16,820 police ang itinalaga para magbigay seguridad, threat assessment, pati na rin ang paghahatid ng mga election paraphernalia.

Nasa 41,965 na mga pulis naman ang nagbabantay sa mahigit 5,431 checkpoints sa buong bansa habang ang hindi pa batid na bilang ng mga ito ay itinalaga sa mga election hotspot.


Sinabi pa ni Malaya na nagde-deploy rin ang PNP ng dagdag na pulis mula sa local police station o sa local force battalion para sa dagdag seguridad sa mga lugar na mayroong banta at malalang political rivalry.

Facebook Comments