Wage Boards, blangko pa sa petsa ng paglalabas ng desisyon sa wage increase ng mga manggagawa

76

Hindi pa masabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung kailan mailalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ang desisyon kaugnay ng mga hirit na umento sa sahod ng mga manggagawa.

Sinabi ni DOLE Spokesman Rolly Francia na patuloy pang umuusad ang proseso sa Wage Boards.

Una nang inihayag ni DOLE Sec. Silvestre Bello III, na pinamamadali na niya sa Wage Boards ang pagdedesisyon sa wage increase petitions ng mga manggagawa.


Sa harap na rin ito ng mataas na presyo ng mga bilihin bunga ng serye ng oil price hike.

Facebook Comments