Aabot sa halos 30 bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa may bahagi ng Arellano-Dagonoy Street sa San Andres, Maynila.
Nagsimula ang sunog kaninang alas-6:53 ng umaga kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa sa light materials ang mga bahay.
Inabot ng ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire out ng alas-9:07 ng umaga.
Nasa halos 70 pamilya ang apektado sa insidente at ilan sa kanila ay halos walang naisalbang gamit.
Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng sunog maging ang halaga ng mga ari-arian na natupok at kung may mga residente na nasugatan.
Facebook Comments