Manila, Philippines – Tiniyak ni LTO Licensing Center Chief Celeste Mayoralgo na kayang matutugunan ng ahensya ang 700 katao na minimum na kumukuha ng lisensya araw araw.
Kasunod ito ng tumataas na bilang ng mga kumukuha at nagpapa-renew ng lisensya ngayon taon.
Ayon kay Mayoralgo natuldukan na ang malaking backlog ng driver’s license sa buong bansa.
Aniya sa kabila nang mayroong minimum na 700 kada-araw sa isa pa lamang sa 36 na Regional Offices ay kayang i-release ng ahensya ang plated driver’s license sa loob ng takdang araw.
Matatandaang noong 2016 ay umabot pa sa tatlong milyong backlog dahil sa aberyang dulot ng paglalabas ng TRO ng Manila RTC sa pinasok na kontrata ng ahensya sa All Cards Plastic Incorporated.
DZXL558
Facebook Comments