Halos 700 mga Pasayeñong senior citizens, nakatanggap nang kanilang birthday cash gift

228

Nakatanggap ang 642 mga Pasayeñong senior citizens ng kanilang birthday cash gift ngayong araw.

Sa ulat ng Pasay City Information Office, ipinagkaloob ng Pasay City government ang tig -P1,500 birthday cash gift sa mga senior citizens sa Barangay 60 at Barangay 117 na ang birth month ay September.

Pinangasiwaan ng Pasay Office of Senior Citizen’s Affairs (OSCA) ang cash distribution.


Samantala, nagpapatuloy naman ang pamimigay ng bakuna partikular ang libreng flu vaccines at pneumonia vaccines sa mga taga-Pasay.

Ngayong araw ay sa Barangay 141 at Barangay 142 nagsagawa ng libreng vaccination.

Kasamang nangasiwa ng aktibidad ay mga nurse at mga punong barangay ng Brgy. 141 at Brgy. 142



Facebook Comments