Halos 7,000 bagong COVID-19 cases sa bansa, naitala ngayong araw

20

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,686 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

3,190 naman ang bagong gumaling at 196 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,300,349 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

61,345 naman ang aktibong kaso habang ang kabuuang recoveries na ay 1,216,497.

Ang kabuuang binawian ng buhay ay 22,507.

Facebook Comments