Polio outbreak, nalagpasan na ng Pilipinas ayon sa WHO

31

Inanunsyo ni World Health Organization (WHO) Rep. Dr. Rabindra Abeyasinghe na natuldukan na ang polio outbreak sa Pilipinas.

Ayon kay Abeyasinghe, aabot sa 30 million doses ng oral polio vaccines ang na-administer sa bansa, kung saan 11 million na mga bata ang nabakunahan sa 13 vaccination rounds.


Aniya, ito ang pinakamalaking logistical effort para sa polio sa Pilipinas.

Pinuri rin ng WHO ang polio vaccination sa Pilipinas na umusad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa WHO, ang Pilipinas ay naging inspirasyon sa buong mundo pagdating sa mga hakbang at pagsusumikap laban sa polio.

Pinuri ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) ang Pilipinas partikular ang Department of Health (DOH) na nanguna sa pagtugon at pagtiyak na matatapos ang polio outbreak sa Pilipinas.



Malaki rin anila ang ambag ng health care at mga community worker, mga ahensya at mga partner na nagtulong-tulong para maprotektahan ang mga kabataan laban sa polio.


2019, makalipas ng 20 taon, muling naitala ang polio outbreak sa bansa.

Facebook Comments