Halos 70,000 na kapulisan, ipapakalat as buong bansa bilang bahagi ng Oplan Ligtas Sumvac 2017

Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa 65,000 hanggang 70,000 na mga uniformed police ang ipapakalat ng PNP sa ibat ibang panig ng bansa bilang bahagi ng Oplan Ligtas Sumvac 2017.

 

Ayon kay Sr/Supt. Eugene Paguirigan, hepe ng Public Safety Office Division ng PNP Directorate for Operations, magsismula sa April 3 ang Oplan Ligtas Sumvac 2017 at magtatapos hanggang sa pagbubukas ng eskwelahan sa July 13.

 

Sinabi ni Paguirigan, hindi pa kabilang dito ang tinatayang 92,000 na mga force multipliers na tutulong sa mga pulis sa pagbabantay.

 

Pangunahing target ng Oplan Ligtas Sumvac 2017 ang mga lugar na dadagsain ng mga tao tulad ng mga bus terminal, airport, pantalan kabilang din ang mga simbahan, malls at palengke.


Facebook Comments