Presidential Commission for the Urban Poor, suportado ang pag-okupa ng grupong Kadamay sa Pandi Bulacan

102

Manila, Philippines – Suportado ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang pag-okupa ng mga miyembro ng Kadamay sa housing units sa Pandi, Bulacan.

 

Kaugnay nito nagpasalamat si PCUP Chairman Atty. Teri Ridon sa NHA sa pagpayag na panatilihin sa mga naturang housing units ang mga miyembro ng Kadamay.

 

Binigyang diin ni Ridon na malinaw na sumasailalim ang sitwasyon ng Kadamay sa tunay na kalagayan ng programang pabahay para sa mga maralita sa bansa.

 

Sinabi ni Ridon na tumutulong ang PCUP sa pagproseso ng mga pangalan ng mga miyembro ng Kadamay at mga dokumento na kakailanganin para mabenepisyuhan ng pabahay.

 

Sa kasalukuyan aniya ay papalo sa 5 milyon ang backlog sa socialized housing sa buong bansa.


Facebook Comments